Napapanahong isyu tungkol sa Pilipinas ngayon
Korapsyon,polusyon,kakulangan sa mga pasilidad sa ibat ibang sektor ng pamahalaan tulad sa edukasyon, sa mga ukol sa pangkalusugan tulad ng ospital, health centers clinic, ang utang ng pamahalaan sa ibang bansa, ang pagtaas ng mga bilihin at kung tumataas nga ba ang ekonomiya ng bansa, ang kahirapan,populasyon at higit sa lahat ang napapanahong pagpatay ng isang nilalang. Ilan lamang ito sa napapanahong isyu tungkol sa Pilipinas ngayon.
Ginawa tayo ng Diyos upang masilayan at alagan
ang kaniyag mga nilikha, hindi para gawan ng masama (katulad ng pagpatay) o
paggawa ng isang kaharasan sa isang kapwa mo nilalang. Na siya’ng di natin
karapatan o obligasyon na kumitil ng buhayna siyang lubos na ikinasasama ng
loob ng ating panginoon katulad nalamang nang di ito makatwiran o magandang
tingnan sa paningin ng Diyos. Ngunit bakit sadyang napapanahon ang
pagkakasunod-sunod na tila ba’y nakapila sa isang pahayagan. Pagpatay na hindi
lang isang inosente ang nadadamay kundi napakaraming inosenteng tao ang
nadadamay/ napapatay. Pati na rin isang pamilya, anak na napanghihinalaan na
siyang pumatay sa sarilin Ina. Tulad nalamang ng isang pangyayari itong
nailathala sa sa pamamagitan ng artikulo sa isang pahayagan;
Makalipas ang mahigit 20 araw na hindi mapagkatulog dahil sa pagbagabag ng sariling konsensiya, sumuko ang isang 17-anyos na babae, kasama ang kanyang nobyo, na umano’y tumulong sa kanya upang patayin ang kanyang lola sa Valenzuela City noong Disyembre 6, 2011.
Makalipas ang mahigit 20 araw na hindi mapagkatulog dahil sa pagbagabag ng sariling konsensiya, sumuko ang isang 17-anyos na babae, kasama ang kanyang nobyo, na umano’y tumulong sa kanya upang patayin ang kanyang lola sa Valenzuela City noong Disyembre 6, 2011.
Ayon kay Senior Supt. Atty. Wilben Mayor, hepe ng
Valenzuela City Police, sumuko nitong Biyernes ng umaga kay SPO2 Boy Delima,
hepe ng Homicide Section, ang mag-nobyo na kapwa 17-anyos. Batay sa sinumpaang
salaysay ng mga suspek kay PO2 Amie Centro ng Women’s and Children’s Concern
Desk, inamin ng magkasintahan na sila ang pumatay kay Myrna Babaan Fermo, 70,
biyuda, sa loob ng bahay nito sa No. 15 Felomena Street sa Manotoc Subdivision,
Barangay Marulas, madaling araw noong Disyembre 6.
Sinabi ng dalagita na siya ang nagbukas ng pinto
ng bahay at nagpapasok sa kanyang nobyo upang pagnakawan ang biktima.
Ayon sa dalagita, kinuha ng kanyang nobyo ang
coin purse ng kanyang lola na naglalaman ng P200 pero nagising ang matanda,
kaya pinagsasaksak ng binatilyo ang biktima at tumakas.
Nagpanggap ang dalagita na walang alam sa
nangyari, pero simula noon ay hindi na siya mapakali, laging balisa at hindi
mapagkatulog, hanggang sa kumbinsihin niya ang nobyo na sumuko na sila sa
awtoridad.
Plano ng magkasintahan na pagnakawan ang biktima
at ang perang makukulimbat ay gagamitin nila sa planong pagtatanan. – Orly
Barcala
Ano nga ba ang kanilang dahilan sa paggawa nila
ng isang kalunuslunos na katulad ng ganito, makatwiran na nga ba ito para
kumitil ng buhay ng isang kapwa mo nilalang? Sa tingin ko, kahit na anong mangyari
wala tayong karapatan na gumawa nito, isa na rin dahil labag ito sa 10 tugon ng
Diyos. Sana ay matigil na ang ganitong pangyayari para na rin sa ikaka-unlad ng
ating bansa.